3/7/11

tunay

ewan ko po di ko pa po nalalasap yung sinasabi nyong sarap ng buhay dito
nagaadjust pa po ako
na malayo ako sa mahal ko sa buhay
hanggang ngayon po ay pilit ko pa rin nilalabanan ang pagiging homesick
akala ko po magiging ok na ang lahat pag naka alis na ako ng Pilipinas
yun pala di ok.

gising naman ako sa katotohanan na wala na ako sa Pilipinas
andito nga ang katawan ko, nagtatrabaho
pero ang puso, kaluluwa't, isipan ko'y nakatali ng mahigpit sa taong pinakamamahal ko

andaming nang aakit,
puti, itim, kayumanggi, iba't ibang lahi
pero ni isa sa kanila, walang makakapantay sa irog ko
kelan man hindi naging masaya ang tatlong nag-iibigan
sapagkat ang tunay na pagibig ay pinagsasaluhan ng dalawang pusong nagmahahalan ng tapat.

pinagsasaluhan namin ng pinaka mamahal kong bb. :-)

No comments: